Pagiging Student Athlete kayang maabot ng karamihan ng mga mag-aaral? PAANO?!

Pagiging Student Athlete kayang maabot ng karamihan ng mga mag-aaral? PAANO?!

Panulat ni Ram Tolentino

Panulat ni Ram Tolentino

Dec 21, 2023

Nangarap na ka na rin bang maging atleta sa inyong paaralan? Aba hindi ko alam ang sagot mo diyan ngunit kung hinangad mo man ito kahit isang beses lang, alam mong hindi ito madali dahil walang sapat na panahon ang nakalaan para sa hangarin mong ito. Pero tulad ng feelings mong pabago-bago (char), mayroong proyektong para sa mga mag-aaral na nais maging student athlete!

- Picture from Ang Kadluan

Makati Science High School S.Y. 2023-2024 Intramurals

Kamakailan lang ay inilunsad sa Makati Science High School (MSHS) ang Intramurals para sa S.Y. 2023-2024. Dito ay napanood natin ang iba’t ibang sports at mga palaro kung saan nalibang tayong mga mag-aaral at halos napaos na kasisigaw para sa ating mga batchmates! Kahit hindi naging manlalaro ang bawat mag-aaral ay naramdaman natin maging isang “athlete” sa pamamagitan ng pagsuporta sa ating mga koponan.

Pero paano kung hindi na Intrams? Wala na bang panahon para sa recreational sports? Well, pwedeng-pwede natin ito masolusyunan sa pamamagitan ng MAKiSCIya: Pagsulong ng After-School  Recreational Sports para sa mga Mag-aaral ng Makati Science High School (Taong Panuruan 2023-2024). Ang proyektong ito ay isinusulong ng Athlosync, isang student organization mula sa 12-Zara.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ang lahat ng mga mag-aaral ng oras upang makibahagi sa iba’t ibang mga sports o kaya mga recreational activities tulad ng mga larong pinoy. Maisasakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagkokonsidera sa regular class schedules ng mga mag-aaral sa lahat ng baitang upang malaman ang mga oras na maaaring maibigay para sa paglilibang. Dito sa proyektong ito ay nasisigurado rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral dahil kasama sa proyektong ito ay ang pagkakaroon ng mga gurong tagabantay sa tuwing isinasagawa ang oras ng recreational sports.

Maybe you’re wondering how in the world will I be a student athlete? Well the answer is this, sumali ka sa sports na gusto mo sa proyektong ito. But how? Paano kung basketball lang ang sport diyan sa project na yan? Don’t worry! Athlosync considers each student’s preference! Kasama sa mga hakbang ng proyektong ito ang pagsasagawa ng mga sarbey upang malaman ang mga activities na nais salihan ng mga mag-aaral upang mapagpasiyahan ang mga palaro na maisasali sa mga pagpipilian ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga sarbey na ito ay malalaman din ng Athlosync kung paano mapaglalaanan ng tamang espasyo ang bawat activities na maboboto ng mga mag-aaral. Kaya wag kang mabahala kung sa tingin mo hindi maisasama ang sports na gusto mo dahil mayroon tayong mga platforms kung saan maririnig ang boses mo!

So yes pwedeng-pwede ka talaga maging student athlete sa proyektong ito! Iilan lamang ang naisali kong impormasyon sa blog na ito ngunit don’t worry dahil magkakaroon ng Advocacy Booth ang Athlosync sa January. Kaya ano pang hinihintay natin, suportahan natin ang Athlosync sa pamamagitan ng pagpunta sa Advocacy Booth at pag react and share ng mga promotionals!